3 todas sa Cavite drug bust

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, alas-2:35 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis, subalit nakatunog ang dalawa na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya’t nakipagbarilan at napatay.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang tatlong drug pusher nang manlaban umano ang mga ito sa mga otoridad sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bacoor City at Alfonso, Cavite.

Sa Bacoor City, kinilala ang dalawang napatay na suspek na sina Jonathan Catubay, alyas Tantan at isang alyas Nelson.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout, alas-2:35 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis, subalit nakatunog ang dalawa na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya’t nakipagbarilan at napatay.

Patay din ang suspek na si Ricardo Alano, 52, ng Brgy. H2, Dasmariñas City nang makipagbarilan sa mga pulis sa isa ring buy-bust operation sa Brgy. Kaytitinga, Alfonso, Cavite dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Show comments