DOLE tinanggihan ang pag-ban sa pagyoyosi

MANILA, Philippines — Dahil sa magiging malaking epekto sa ekonomiya ay ibinasura ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ipatutupad sanang ban sa paninigarilyo makaraang kontrahin ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kung naaprubahan ito, malaki ang negatibong epekto nito sa kabuhayan ng mga umaasa sa industriya ng tabako at maging sa mga negosyo na mapipilitang magsara.

Ipinanukala ang pagbabawal sa paninigarilyo bilang bahagi ng pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 na maaaring sumasama sa usok ng sigarilyo na malalanghap ng iba bilang ‘second hand smoke’.

Ngunit ipinaliwanag ni Bello na kung isasagawa ito, mawawala ang nasa P145 bilyon na kita sa buwis ng pamahalaan sa industriya ng tabako habang nasa 2.5 milyong Pilipinong manggagawa umano ang maaapektuhan. 

Malaki rin umano ang ambag ng sigarilyo sa Universal Health Fund.

Show comments