Holdaper na nakamotor patay sa barilan
Danilo Garcia (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang holdaper na angkas ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis habang nakatakas ang kasama nito naganap kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang suspek ay kinilalang si Alberto Soriano, 46, nakatira sa Tramo Street, ng naturang lungsod habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nakatakas nitong kasama.

Sa ulat, bago naganap ang barilan, alas-8:30 ng gabi sa may Menlo Street, Brgy. 33, ay hinoldap ng mga ito ang biktimang si Roceselyn Jobelo, 33, isang service crew at sapilitang kinuha ang kaniyang cellular phone at alahas.

Tiyempong nagpapatrulya sa lugar ang isang mobile unit ng Pasay Police na naaktuhan ang nagaganap na holdap at nagkaroon ng maigsing habulan at putukan na kung saan nasapol ang suspek at nalaglag sa motorsiklo.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with