P2.4 bilyon itinabi ng DOH para sa pagbili ng bakuna

MANILA, Philippines — Inisyal na P2.4 bilyong pondo para sa pagbili ng mga bakuna kontra sa COVID-19 ang itinabi ng Department of Health (DOH).

“We allocated P2.4 billion for purchase of COVID-19 vaccine. We don’t know how much we can be able to procure, pero madadagdagan pa naman iyan (P2.4 billion)”,ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nangako na ng bakuna para sa 20 mil­yong tao o 20 porsyento ng populasyon ng bansa ang mga kausap nilang manufacturers. Maaari pa naman umano itong magbago kung madadag­dagan o liliit.

Unang inihayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Finance Secretary Carlos Dominguez III na nasa 40 mil­yong doses ng bakuna na karamihan ay mula sa China ang ilalaan sa Pilipinas bago mag-Dis­yembre.

Show comments