^

Police Metro

One Hospital Command inilunsad vs COVID-19

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa sentralisadong aksyon laban sa CO­VID-19 ay inilunsad kahapon ang One Hospital Command na binubuo ng Department of Health (DOH), organisasyon ng mga healthcare workers at mga lokal na pamahalaan.

Layon nito ang pagtutulungan ng DOH at ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) sa pagtugon sa mga kritikal na bahagi sa healthcare system na kailangang palakasin para magtagumpay sa laban sa pandemya.

Tutulong din umano ang HPAAC sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang kapasidad ng mga lokal na pamahalaan sa ‘telemedicine’ na iuugnay sa One Hospital Command.

Sinabi ng DOH na nagbigay ng mahahalagang ambag ang mga medical society ukol sa mga matatagumpay na case studies para sa LGUs. Makakatulong umano ito na palakasin ang istratehiya sa mga target areas nila.

Opisyal ding inumpisahan kahapon ang CODE o ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic na siyang magiging isang protocol sa paghahanap sa mga aktibong kaso sa mga komunidad sa pagtutulungan ng DOH at mga lokal na komunidad.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with