Clinical trial ng Pinas sa Avigan sinimulan

Aabot sa P18 milyon ang inilaan ng pamahalaan para sa Avigan trials na isasagawa sa tatlong medikal na pasilidad na planong gamitin sa 80 hanggang 100 pasyente na magbibigay ng kanilang pagsang-ayon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Upang makumpirma sa pagiging epektibo ng Japanese anti-flu drug na Avigan sa pagsugpo sa coronavirus disease (COVID-19) ay inumpishan na ng Department of Health (DOH) ang clinical trials para dito.

Una nang isinasailalim sa trial sa bansa ang gamot na remdesivir, na gamot naman sa paggamot sa Ebola virus at gamot na interferon, isa namang anti-viral agent.

Aabot sa P18 milyon ang inilaan ng pamahalaan para sa Avigan trials na isasagawa sa tatlong medikal na pasilidad na planong gamitin sa 80 hanggang 100 pasyente na magbibigay ng kanilang pagsang-ayon.

Unang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakatanggap na ang Pilipinas ng nasa 199,000 tabletas ng Avigan mula sa Japan para maum­pisahan na ang trials.

Kilala ang Avigan sa kaniyang generic name na favipiravir na produkto ng Fujifilm Holdings Corp. ng Japan. Bahagi ang aksyon ng Pilipinas sa isinasagawang ‘solidarity trials’ ng iba’t ibang bansa na apektado ng COVID-19 sa mabilis na pagtuklas ng mga gamot na susugpo sa virus.

Show comments