Duterte sa telcos: Isumbong ang mga LGUs na dine-delay ang tower permits

Ito ang paghihikayat ni President Rodrigo Duterte sa telecommunications service providers bilang tugon kay Globe president at CEO Ernest Cu sa kanilang kinakaharap na reklamo.
Businessworld

MANILA, Philippines — Dumiretso na sa cabinet officials upang isumbong ang local government units na nagdudulot ng delay sa pagpopro­seso ng mga permit upang makapagtayo ng cell sites.

Ito ang paghihikayat ni President Rodrigo Duterte sa telecommunications service providers bilang tugon kay Globe president at CEO Ernest Cu sa kanilang kinakaharap na reklamo.

“Isipin niyo lang ho ‘yun, sir, kung nag-apply kami ng 5,000 towers times 28 or 30 permits… ilang libong permit ang kukunin namin para makapag-umpisa?” saad nito.

“It’s really corruption. The local governments are all fucking it up that’s why,” tugon naman ng Pangulo.

Inabisuhan naman ni Pangulong Duterte si Cu na dumiretso na sa kanyang Cabinet secretaries o hindi kaya naman ay kay Senator Christopher “Bong” Go.

“Alam mo ‘you can ask Bong or Sonny (Finance Secretary Carlos Dominguez III) or the generals, kay [Interior] Secretary (Eduardo) Año. Isumbong niyo na lang ng diretso,” ani Duterte.

Maaalalang sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), binantaan niya ang Globe at Smart Communications na ayusin ang kanilang serbisyo o kung hindi ay maipatitigil ang kanilang kompanya.

Show comments