71 bangkay ng OFWs mula Saudi darating

MANILA, Philippines — Nasa 71 overseas Filipino workers (OFWS) na nasawi sa Saudi Arabia kabilang ang 40 na tinamaan ng COVID-19 ang inaasahang darating ang kanilang zz mga labi ngayong araw sa bansa.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang ma­ngangasiwa sa pagdating ng mga labi ng mga OFWs sa bansa. Ito ang ikalawang batch ng mga nasawing OFWs mula Saudi ang ni-repatriate pauwi sa Pilipinas.

Tiniyak ni Cacdac na ang mga pamilya ng mga naturang namatay na OFWs ay makakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan. Kabilang aniya dito ang cremation o burial services, gayundin ng death, livelihood at scholarship benefits na dapat makuha ng isang aktibong OWWA member.

Noong Hulyo 10, unang nai-repatriate sa Pilipinas ang mga labi ng 49 OFWs, na mula sa dalawang rehiyon kabilang ang 19 na namatay dahil sa COVID-19, na kaagad ding idiniretso sa mga crematorium.

Nasa kabuuang 274 na bangkay ng mga OFWs mula sa Saudi Arabia ang iuuwi sa Pilipinas.

Show comments