Reklamo vs Koko, inendorso na ng DOH
Matatandaan na si Sen. Koko Pimentel ay nagtungo sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang misis na manga­nganak noong March 2 sa kabila na siya ay dapat naka-quarantine.
STAR/Mong Pintolo, file
Reklamo vs Koko, inendorso na ng DOH
Danilo Garcia (Pang-masa) - July 18, 2020 - 12:00am

Sa paglabag sa quarantine protocol…

MANILA, Philippines — Dahil sa paglabag sa quarantine pro­tocol ay isinumite na ng Department of Health ang reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel.

Sa press briefing, sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na naipasa na ang endorsement sa Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o NBI.

Una nang naghain sa Department of Justice (DOJ) si Atty. Rico Quicho ng reklamo laban sa senador dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Nagpapasalamat naman si Quicho sa DOH na nag-endorso ng kanyang reklamo sa PNP at NBI.

Matatandaan na si Pimentel ay nagtungo sa Makati Medical Center para samahan ang kanyang misis na manga­nganak noong March 2 sa kabila na siya ay dapat naka-quarantine.

Kinalaunan ay nakumpirmang positibo ito sa COVID-19 dahilan para magalit ang Makati Medical Center dahil sa umano’y pagiging iresponsable ng senador na maaaring makahawa ng mga health worker at iba pang mga tao sa ospital.

KOKO PIMENTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with