DOH: Kama sa ICU para sa COVID-19 cases dagdagan
MANILA, Philippines — Dagdagan pa ng mga ospital ang kanilang alokasyon sa intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 cases.
Ito ang pakiusap ni Health Undersecretary Leopoldo Vega sa mga ospital na umano ay hindi binibigyan pansin ang 30% ICU bed allocation para sa COVID-19 cases.
“Kinakausap namin dahan-dahan ang mga private institution, mga hospital chief na mag-allocate ng bigger, mas malaking percentage sa COVID cases nila,” aniya.
“Ang iba kasi meron lang mga 5%, 10%. Ang administrative order kasi ng DOH at least, minimum 30 percent para ma-open naman ang bed allocation sa mga private institution ganun din sa pampubliko,” dagdag pa nito.
Bumuo ang DOH ng command center kung saan mare-refer ng mga ospital ang COVID-19 cases sa iba pang ospital kung puno na ang kanilang ICU bed allocation.
- Latest