3 most wanted utas sa shootout

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival ang tatlong most wanted persons nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa Barangay Malangit, Pandag, Maguindanao, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Tongal Usop, na may kasong murder; Mhajirin Usop, may kasong frustrated murder; at Mohamiden Dagadas, na residente ng President Quirino, Sultan Kudarat.

Batay sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw ay sina­lakay ng mga otoridad ang pinagkukutaan ng mga suspek at sa halip umanong sumuko ay nanlaban ang mga ito.

Show comments