Navotas isasailalim sa total lockdown
Doris Franche (Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Navotas City ay isasailalim ni Mayor Toby Tiango sa dalawang linggong lockdown ang lungsod simula sa Hulyo 16.

Naunang iniulat ng alkalde na puno na ang isolation facilities ng lungsod makaraang 31 residente ang nagpositibo sa sakit nitong Linggo na dadalhin sa quarantine facilities sa World Trade Center at Philippine Arena.

Sumailalim sa isolation ang ilang tanod, law enforcement authorities at ilan sa mga ito ang nakakuha ng sakit.

“Kaya nga po hinihingi namin ang inyong tulong at pakikiisa dahil hindi po namin kayo mababantayan lahat,” saad nito.

“Kaya sa pagpasok sa trabaho, siguruhin na parating nakasuot ng mask. Maghugas parati ng kamay. Iwasan munang sumabay sa pagkain o makipagkwentuhan nang malapitan. Sundin ang 1-2 metrong distansya para maiwasang mahawaan ng virus,” dagdag pa niya.

COVID-19 LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with