^

Police Metro

Lady Chinese na supplier ng shabu sa nakakulong na kababayan, tiklo

Ludy Bermudo - Pang-masa
Lady Chinese na supplier ng shabu sa nakakulong na kababayan, tiklo
Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ng Sabado arestuhin ang suspek matapos makabili ng shabu ng mga operatiba sa kaniyang unit at nakumpiska din ang 9 na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo na nagkakahalaga ng P79,628.00, drug paraphernalias.
STAR/FIle

MANILA, Philippines — Isang babaeng Chinese ang naaresto sa isang buy-bust operation nang siya ay ikanta ng kababa­yang nakapiit na supplier niya ng shabu sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay kinilalang si Xueming Chen, 22, jobless at residente ng Room 557, 5th floor Tower D, Shell Residences, Barangay 76, Zone 10, Pasay City.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ng Sabado arestuhin ang suspek matapos makabili ng shabu ng mga operatiba sa kaniyang unit at nakumpiska din ang 9 na plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 11.7 gramo na nagkakahalaga ng P79,628.00, drug paraphernalias.

Nabatid na unang naaresto si Wen Bo, 33, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), residente ng Unit no. 1055 Tower A, Shell Residences EDSA Extn., Brgy. 76, Zone 10, Pasay City na unang nahulihan ng 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 na nakasingit sa food pack habang nakapiit sa custodial facility ng SDEU noong madaling araw ng Sabado (Hulyo 11).

Ibinunyag ni Bo na nagmula ang iligal na droga kay Chen kaya’t isinagawa ang buy-bust operation.

vuukle comment

BUY-BUST

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with