‘Golden Clock Tower’ ng Manila City Hall ala-‘Big Ben’ ng London

Masayang nagpakuha ng larawan si Manila City Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso sa tapat ng ipinagmamalaking bagong pinturang “Golden Clock Tower” ng Manila City Hall na ala-“Big Ben” ng London kahapon.

MANILA, Philippines — Takaw pansin ang bagong ‘‘Golden Manila City Hall Clock Tower’ na inihalintulad ngayon sa pamosong ‘Big Ben’ sa  London matapos namagmukhang bago nang mapinturahan.

Ang lumang clock tower ng Manila City Hall ay pininturahan ng kulay ginto na kapag tinatamaan ng araw ay nakagagawa ng puting liwanag at kislap habang sa gabi naman ay may calming effect  dahil sa mga puting ilaw na lalong nagpapatingkad sa ganda nito.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maasahan sa tamang oras ang relos nito dahil regular na minomonitor para naka-synchronize ito. Patuloy din aniyang pagagandahin ang golden clock para mas maging kaakit-akit sa mga mata ng residente, mga lokal at dayuhang turista.

Naniniwala si Moreno na habang nasa gitna ng pandemya, ang icon na ito ay magiging simbolo ng pag-asa at maipagmamalaki ng mga Manilenyo.

Ang Golden Manila City Hall Clock Tower ang maituturing na pinakamalaking clock tower sa bansa sa taas na 100 talampakan na dinisenyo ni Antonio Toledo at naitayo noong 1930s kaya kahit sa malayong distansiya maging ng mga motorista ay makikita ang orasan.

Show comments