DOTr, nagbigay ng 8 araw na free time period sa international shipment
Mer Layson (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang matulungan financially ang mga consignees sa epekto ng community quarantine dulot ng coronavirus disease 2019 ay ipinag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade ang walong araw na free time period ng hindi pagbabayad ng demurrage at detention charges matapos maibaba sa barko ang mga kargamento.

“Sa pandemic ho na ito, lahat tayo ay apektado. Naiintindihan natin kung mayroong delays. Pero, hindi dapat gawing dahilan ito ng ilan para mag-take advantage sa kanilang kapwa. Kaila­ngang lahat ay tumulong upang magsagawa ng kritikal, agaran at nararapat na pagtugon para maprotektahan ang mga mamamayan sa epekto ng COVID-19,” sabi ni Tugade.

Hindi naman pinagbabawalan ang mga international shipping lines na magbigay ng free time nang mas mahaba sa walong araw.

Sabi naman ni Philippine Ports Authority Ge­neral Manager Jay Daniel Santiago, magbibigay ng flexibility sa pagpopro­seso ng mga dokumento ang nasabing kautusan dahil walang pinanga­ngambahang karagdagang gastos ang mga importer.

Inatasan din ni Tugade ang mga international shipping lines na i-apply ang eight (8) days free time period sa mga kargamento magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community qua­rantine (MECQ).

Pinapatawan ng demurrage charge ang mga importer sa oras na hindi alisin ang kanilang mga container sa pantalan o terminal kapag natapos na ang free days na tatlo hanggang limang araw.

Ang detention charge naman ay sinisingil ng mga shipping line sa mga importer kapag inalis na ang kanilang mga kargamento sa pantalan o terminal, pero bigo namang maibalik ang empty container sa depot kapag natapos na ang allowed free days.

DOTR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with