2 kidnaper ng Malaysian, timbog

MANILA, Philippines — Nadakip ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang entrapment operation sa Angeles City, Pampanga ang dalawang dayuhan na dumukot sa isang Malaysian noong Mayo 16.

Kinilala ni PNP-AKG director, Brig. Gen. Jonnel Estomo, ang mga suspek na sina Rano Herman, Indonesian at  Ong Way Plak, Malaysian ay nadakip sa parking lot ng isang mall sa Barangay Malabanias kamakalawa ng hapon. Nakatakas naman ang Filipino driver ng mga suspek.

Nailigtas naman sa Room 1416 , 14th Floor ng Dormitory 1, Sun Valley, Angeles, Pampanga ang biktimang si Lee Jun Sheng, Malaysian.

Batay sa report, humihingi ang mga kidnapper ng 12,000 Chinese renminbi (mahigit P84,000) na karagdagang ransom mula sa pamilya ng biktima.

Lumilitaw na ang insidente ng pagdukot sa biktima ay inireport ng Office of the Representative mula sa Embassy of Malaysia sa pamamagitan ni Consul Abdul Samad Ismail.

Nakuha sa crime scene ang isang Toyota Hi-ace van, ID cards at iba pang personal belo­ngings ng mga suspek

Show comments