Drug suspect na kidnaper, utas sa shootout

MANILA, Philippines — Isang drug suspect na sangkot sa kidnapping activities sa Cebu City ang napatay ng mga otoridad nang ito umano ay manlaban naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Bantayan, Brgy. Tungko. Minglanilla, Cebu.

Sa ulat ni PNP AKG Director BGen Jonnel Estomo, ang suspek na si Jeovani Bogo alyas Vani na kasama sa listahan ng high value target ng droga at sangkot sa kidnap for ransom activities sa Cebu City area.

Nabatid na alas -11:15 kamakalawa ng gabi ay nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at nang papalapit na ang mga ito sa mismong bahay ni Bogo nang sila ay pagbabarilin.

Gumanti ng putok ang mga pulis dahilan ng pagkamatay ng suspek na kung saan narekober ang isang 38 caliber revolver, tatlong live ammunitions at tatlong basyo ng bala.

Ayon kay Estomo, si Bogo ay sangkot sa pagdukot sa fitness instructor na si John Welkie Ibones sa Cebu City noong June 2, 2020.

Show comments