DepEd: 18.2 milyong studes, enrolled na

MANILA, Philippines — Mahigit sa 18 milyong estudyante na ang nagpa-enroll sa public at private schools sa bansa para sa School Year 2020-2021, na nakatakdang magbukas sa Agosto 24.

Ito ang iniulat ng Department of Education (DepEd) batay sa datos na inilabas hanggang 8:00 ng umaga ng Hulyo 6, ay kabuuang 18,239,528 mga estudyante na ang kanilang nai-enroll.

Sa naturang bilang, 1,189,694 ang nagpatala sa Kindergarten; 9,058,512 sa Elementarya; 5,764,887 sa Junior High School; 1,954,994 sa Senior High School; 47,856 ang mga Learner with Disabilities (Non-Graded) at 223,585 sa Alternative Learning System (ALS).

Pinakamarami pa ring nagpatala sa Region IV-A na umabot sa 2,537,359; sumunod ang Region III na may 1,971,086 at pangatlo ang National Capital Region (NCR) na may 1,945,954.

Show comments