^

Police Metro

80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16…

Doris Franche - Pang-masa
80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16�
Ito ang inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at iginiit na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH).
STAR/File

MANILA, Philippines — Posibleng mas ma­raming lugar na ang isasai­lalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16.

Ito ang inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at iginiit na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH).

“Sabi nga ng DOH, depende pa sa mga analytics na lalabas pero more likely siguro mga 80%, mag-MGCQ na tayo sa July 16,” giit ni Lorenzana.

“Dahil nga lumuluwag na ‘yung ating qua­rantine at saka gusto na nating buksan ‘yung ating ekonomiya, maraming pagbabago, mas marami ng tao ang makakalabas, pati mga simbahan magbubukas na rin, magdadagdag na rin ng transportasyon ‘yung DOTr so mala­king pagbabago,” dagdag pa nito.

Lahad pa ni Lorenzana, ang second phase ng national action plan laban sa COVID-19 ay inaayos na at ipiprisinta sa IATF.

“Nagawa naman natin ‘yung ating objective habang pinipigilan natin ‘yung pagtaas ng infections ay inaayos naman natin ‘yung ating capabilities,” paliwanag pa ni Lorenzana.

“So ngayon, medyo nag-plateau na except ‘yung Cebu [City]… Ang ating objective diyan mag-plateau lang, hindi na magdadagdag every day or ‘yung case doubling.”

vuukle comment

DELFIN LORENZANA

MGCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with