SC ibinasura ang quo warranto ni Calida vs ABS-CBN
Matatandaang inakusahan ni Jose Calida ang ABS-CBN sa quo warranto case nito ng “highly abusive practices” sa operasyon nito na pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus na sinasabing wala umanong pagpayag mula sa National Telecommunications Commission (NTC).
STAR/Miguel de Guzman, file
SC ibinasura ang quo warranto ni Calida vs ABS-CBN
Danilo Garcia (Pang-masa) - June 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN dahil sa pagiging ‘moot’ o wala nang saysay nito.

Ito ang sinabi ni SC Public Information Office chief, Brian Keith Hosaka ang desisyon ng korte at ang pagbasura sa ‘quo warranto petition’ ay sa kadahilanang napaso na ang prangkisa ng ABS-CBN noon pang Mayo 4.

Subalit, nananatili naman ang kaso laban sa ABS-CBN Convergence na una na ring iniulat napaso na rin ang prangkisa nito noong Marso 17.

Matatandaang inakusahan ni Calida ang ABS-CBN sa quo warranto case nito ng “highly abusive practices” sa operasyon nito na pay-per-view channel sa ABS-CBN TV Plus na sinasabing wala umanong pagpayag mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Isa pa sa pinupukol na paglabag ng broadcast network ay ang pag-isyu umano nito ng Philippine Depositary Receipts sa mga dayuhan na umano’y labag sa batas.

Nakabinbin pa rin ang petisyon na isinampa naman ng ABS-CBN na humihiling na ipawalang-bisa ang ‘cease and desist order’ ng NTC na nagpatigil sa operasyon ng mga istasyon sa telebisyon at radyo ng network.

JOSE CALIDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with