Kuryente sa ‘blended learning’ tiniyak

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Department of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente ang mga konsyumer para sa nakatakdang pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral mula sa makabagong “blended learning” ng Department of Education ( DepEd).

Kaugnay nito, inatasan na DOE ang 121 electric­ cooperatives (ECs) sa bansa na siguraduhin ang suplay ng kuryente sa mga bahay para sa ipatutupad na blended learnin’ ng DepEd sa pagbubukas nito sa Agosto 24.

“I have given my order to all cooperatives through National Electrification Administration Administrator Edgardo R. Masongsong to ensure stable supply of power in their respective franchise areas,” ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ito ay makaraang makarating sa DOE ang ulat na pagkawala ng kuryente sa mga rural areas na nagsasagawa ng summer classes.
Bukod sa paggamit ng elec­tronic gadgets ng mga mag-aaral, sinabi ni Cusi na kailangan ding maayos na suplay ng kuryente sa mga magbabalik na negosyo upang muling mabuhay ang ekonomiya.

Show comments