COVID-19 calamity loan, bukas na sa SSS members

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, ang pautang ay ibabase sa ave­rage ng kanilang monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan at ang mga miyembro ay makakautang ng hanggang P20,000.
SSS Facebook Page

MANILA, Philippines — Maaari na ngayong makautang ang mga miyembro ng Social Security System­ (SSS) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ito ay makaraang buksan ng SSS ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa may 1.74 million potential member-borrowers ng programa.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, ang pautang ay ibabase sa ave­rage ng kanilang monthly salary credit sa nakalipas na 12 buwan at ang mga miyembro ay makakautang ng hanggang  P20,000. 

“We recognize that the impact of COVID-19 is greater than other calamities we have faced in the past. With that in mind, we have extended the payment term of this particular CLAP to 27 months, inclusive of a three-month moratorium period, and have lessened the interest rate to six percent per annum,” pahayag ni Ignacio. 

Karaniwan ang CLAPs ay binaba­yaran sa loob ng 24 buwan na may interest rate na 10 percent  kada taon.

Ang miyembro ay kailangan mag re­gister sa My.SSS web portal sa SSS website at www.sss.gov.ph  para makautang sa CLAP at  hindi na kailangang magpa­kita ng dokumento na ang kanilang lugar ay naisailalim sa calamity area dahil ang bu­ong bansa ay apektado ng Covid-19.

Show comments