^

Police Metro

Duterte: Online scammer ihulog sa ilog-Pasig!

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na kung manloloko ang mga online seller ng face mask ay itali na lang at ihulog sa Pasig River o kahit saang tulay.

Kumbinsido kasi ang Pangulo na ang mga nagtitinda sa online ng face masks ay pawang mga scammers na nagsasamantala sa COVID-19 pandemic para makapangbiktima ng mga mamimili.

Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng kasalukuyang protocol sa gitna ng pandemic, ang face masks ay nire-require sa mga indibiduwal na lalabas ng kanilang bahay para bumili ng pagkain o para mag-report sa trabaho.

Ipinahiwatig ng Pa­ngulo na dapat magduda kung ang nagbebenta sa online ay mula sa probinsiya katulad ng Pampanga at Abra dahil tiyak na wala itong produktong face mask. Mas mabuti aniyang suriin muna ang binili online bago bayaran at huwag agad magpapadala ng pera.

Dahil dito, binantaan ni Pangulong Duterte ang mga online sellers na nagbabalak na i-scam ang kanilang customers.

vuukle comment

SCAMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with