Mga jeep na bibiyahe, huhulihin
Doris Franche (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Huhulihin ang mga bibiyaheng mga dyipney kahit pa may mga plastic na nakadisenyo at may distancing.

Ito ang naging banta si Joint Task Covid Shield Commander Lt. General Guillermo Lorenzo Eleazar matapos na may napa­balita sa kanya na may mga ilang dyip ang nakatambay sa Marcos Hi-Way na nag-aabang ng mga pasahero patungong Cogeo Antipolo at Marikina.

Ayon sa opisyal, mahigpit ang tagubilin ng Department of Transportation na hindi pa rin papayagan ang pagbiyahe ng mga dyip sa General Community Quarantine kahit pa ang mga modernong mga dyip.

“Bawal pa ’yang mga dyip, sa oras na nagpumilit sila na bumiyahe huhulihin namin sila” saad pa ni Eleazar.

Hindi pa rin papayagan ang pag-angkas sa motorsiklo base na rin sa inilabas na guidelines ng DOTr.

“Inuulit ko bawal ang mag-angkas sa motorsiklo sakaling may makita ang mga kapulisan na magka-angkas ay amin silang huhulihin” giit ni Eleazar.

PUJ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with