‘Calibrated lockdown’ ulit sa 2 kalye sa Parañaque
Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpatupad muli ng “calibrated lockdown” ang lokal na pamahalaan  sa dalawang kalye na “heavily populated” sa Barangay San Dionisio, Parañaque City sanhi ng pag-akyat pa ng bilang ng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na may kabuuang 101.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez,  3-day lockdown simula sa Hunyo 4, alas-6:00 ng umaga hanggang Hunyo 6 ng alas-12:00 ng hatinggabi ang iiral sa kahabaan ng Tramo I at  Tramo II.

Nagbabala rin ang alkalde sa mga pasaway o 2nd time lockdown offenders na sila ay ilalagay sa holding areas at pagmumultahin ng P2,000 at kung 3rd calibrated lockdown offense naman ay makukulong na sa loob  ng 12-oras at multang P3,000 at makakasuhan pa.

Habang nasa lockdown, magsasagawa ng testing at monitoring sa lugar at total disinfection.
Nilinaw ng alkalde na kahit nasa general community quarantine (GCQ) na ang National Capital Region, maaari na lamang ilimita ang lockdown sa mga barangay na may mataas na bilang ng COVID-19.

Noong nakalipas na dalawang linggo, ang Brgy. San Dionisio na may 63,506 populasyon ay naisailalim na sa calibrated lockdown.

LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with