7 arestado sa P1.5 milyong halaga ng droga
Doris Franche, Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong katao ang na­aresto ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy-bust operation sa Malabon, Valenzuela at Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-9:00 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang tatlong suspek na sina si Marlon Echapare, 32; Virgilio Buenaventura, 39, kapwa ng Brgy. Longos at Reggie Manlugon, 36, ng Brgy. Tanza, Navotas City sa kanto ng C-4 Road at Pampano St. Brgy. Longos, Malabon at nakumpiska sa kanila ang nasa 13 sachet ng shabu na naglalaman ng 20 gramo na may street value na P136,000.

Bandang, alas-6:30 ng gabi nang una namang maaresto ng Valenzuela Police SDEU sa buy-bust operation ang mag-asawang Richard Alejandrino, 47, at Janette Alejandrino, 45; at isang Reynaldo Dela Cruz, 41. Narekober sa kanila ang nasa 80 gramo ng hini­hinalang shabu na may halagang P544,000.

Sa Parañaque City, alas-12:30 ng tanghali nang maaresto ang drug suspect na si Alex Canao alyas “Puti”, 27, ng  Muslim Com­pound, Tramo St., Brgy. San Dionisio matapos ma­­kumpiskahan ng 125 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P850,000.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with