Mayor Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna
Anak na mayor ni Bro. Eddie namatay
Omar Padilla (Pang-masa) - May 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay, kamakalawa ng alas-5:07 ng hapon ang anak ni CIBAC Partylist Representative at Jesus Is Lord founder Bro.Eddie Villanueva at kapatid ni Senator Joel Villanueva na si Bocaue, Bulacan Mayor Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna,42 nang ma-cardiac arrest habang dina-dia­lysis sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ayon kay Senador Villanueva, bago pa ang lockdown at inilagay sa enhance community quarantine ang buong Luzon dahil sa COVID-19 ay nakaramdam na ang kapatid  ng panghihina ng katawan at madalas na nahihilo at nananakit ng kanyang mga kalamnan.

Pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna ng ilang Linggo, subalit mas ninais ni Mayor Joni na magtrabaho dahil sa  hindi niya kayang iwan ang kanyang mga kababayan sa gitna ng dinaranas na krisis dahil sa pandemya.

Dahil sa sobrang pagod ng mayor at kadalasang nabibilad sa gitna ng init ng araw sa pamimigay ng relief sa kanyang mga kababayan sa Bocaue, ay bumigay na ang kanyang katawan at kinailangan na niyang isugod sa nasabing ospital.

Sa pagpanaw ni Mayor Joni, naiwan niya ang kanyang asawa na si da­ting CIBAC Partylist Rep. Atty. Sherwin Tugna at ang apat nilang anak. Hahalili sa puwesto ni Mayor Joni si Vice Mayor  Jonjon Santiago.

Matatandaan na nito lamang Marso 11, 2020, namatay ang ina ni Mayor Joni na si Sister Dory dahil sa isang malubhang sakit.

EDDIE VILLANUEVA ELEANOR “JONI” VILLANUEVA-TUGNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with