^

Police Metro

MRT-3 magsasagawa ng simulation run

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para makita kung magiging epektibo ang ‘new normal protocols’ na ipa­tutupad ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa sandaling tuluyan nang maibalik ang operasyon ay isasagawa ang simulation run sa mga tren sa Mayo 30 at 31.

Ito ang sinabi ni MRT 3 Director Michael Capati, bilang antisipasyon na rin ito sakaling tuluyan nang isailalim ng pamahalaan sa general community qua-rantine (GCQ) ang Metro Manila sa Hunyo 1.

Anya, layunin ng simu­lation run ay para matiyak na magiging maayos ang pagpapatupad ng bagong sistema na malaking pagbabago kumpara sa dating nakasanayan ng mga commuters.

Kabilang sa mga pagbabago ay pagbabawas ng bilang ng mga pasahero upang matiyak na mayroong physical distancing sa mga tren, pagsusuot ng face mask, pagsukat sa temperatura ng mga pasahero at iba pa.

Natigil ang operasyon ng MRT-3 nang isailalim sa enhanced community quarantine ang Metro Manila noong Marso 17, na may kaakibat na ban o pagbabawal sa mga pampublikong transportasyon.

vuukle comment

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with