DepEd ‘di papayagan ang ‘face-to-face’ classes

“I would like to emphasize: There is no conflict, there is no disagreement, there is no debate between the pronouncement of the president and of the department because they are exactly the same,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sa isang virtual public briefing.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Kahit magbukas na ang klase sa Agosto ay hindi muna papayagan ang pagkakaroon ng “face-to-face” classes dahil na rin sa banta ng COVID-19.

“I would like to emphasize: There is no conflict, there is no disagreement, there is no debate between the pronouncement of the president and of the department because they are exactly the same,” ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, sa isang virtual public briefing.

“We will not allow face-to-face na physical na…nagdidikitan ang mga bata. Hindi papayagan ‘yan ng DepEd,” pag­lilinaw ni Briones.

Nauna nang sinabi ng DepEd na ang pagsasagawa ng “face-to-face” classes ay depende sa risk level sa lugar, kung nasaan ang paaralan.

Subalit, tinutulan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hanggang walang bakuna laban sa COVID-19 ay hindi pa rin dapat magbalik-eskuwela ang mga mag-aaral.

Una nang itinakda ng DepEd ang enrollment ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula Hunyo 1 hanggang 30, habang ang pagsisimula naman ng klase ay itinakda ng DepEd sa Agosto 24.

Show comments