Medical frontliners exempted sa coding scheme - MMDA

MANILA, Philippines — ‘Exempted’ ang me­dical frontliners sa mo­dified number coding scheme na ipatutupad sa Hunyo 1, 2020.

Ito ang nilinaw kahapon ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Ma­nager Jojo Garcia na hindi huhulihin kapag frontliner at nasa medical field lalong lalo na emergency.

Ang paglilinaw na ito ay taliwas sa naunang mga ulat na hindi exempted ang medical frontliners kung sakay sila ng restricted license plates.

Gayunman, hinika­yat ang mga ito na kung maari ay hindi lamang isa ang dapat na pasahero upang i-maximize ang gamit nito lalo na sa panahon ngayong limi­tado lang ang pinapayagang bumiyaheng mga sasakyan.

Sa ilalim ng modified number coding scheme, ang coded-vehicles ay papayagan sa major roads kung may sakay sila na kahit isang pasahero.

Show comments