Duterte pinuri ang serbisyo sa bayan ng AFP

MANILA, Philippines — Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal ng Philippine Army at Philippine Air Force sa Malacañang Golf Clubhouse, kamakalawa ng gabi.

Sa maiksing mensahe ay pinuri ni Pangulong Duterte ang mga tropa ng PA at PAF para sa kanilang serbisyo sa publiko.

“Saludo ako sa ginawa ninyo. I’m not paying you. I know that you are not mercenaries,” ayon sa Pangulo.

“You do not do it for money. You do it out of passion, for the love of country, because we are all Filipinos and we know where to place ourselves when the time comes,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Nauna rito,inalala naman ng Pangulo ang pakikipag-negosasyon niya sa New People’s Army (NPA) para sa pagpapalaya sa mga bihag noong siya ay alkalde pa lamang ng Davao City.

“At times galing ako sa bukid, nakikiusap ako sa mga NPA. I’m not trying to really pull my own chair but ‘yung mga sundalo pati pulis na nabihag ng… Lahat ‘yan, ako ang kumukuha, pati si Bong [Go],” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Nauna nang nag-alok ang Pangulo ng P2-million reward para sa makapapatay sa mga NPA commanders.

Sinabi naman ng Armed Forces of the Phi­lippines na na-neutralized nila ang apat na NPA leaders sa isang serye ng operasyon sa Gingoog City at Agusan del Norte mula May 10 hanggang 13.

Show comments