^

Police Metro

Kabuuang 21% COVID-19 cases lang ang naitala sa Quezon City

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kabuuang 21 porsi­yento lamang ang naita­lang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ang Quezon City na siyang bumubuo ng 21 porsiyento ng populasyon ng Metro Manila.

Sa tala ng Department of Health (DOH), lumalabas na ang Quezon City ay may 1,870 COVID-19 cases lamang na 21 porsiyento ng kabuuang COVID-19 cases sa Metro Manila na may 8,565 kaso ng sakit.

Bagama’t ang QC ang nakapagtala ng pinakamalaking kaso ng sakit sa Metro Manila, ito ay pampito lamang kung ang gagamiting basehan ay COVID-19 cases versus population.

Batay sa rekord mula sa https://covid19stats.ph na may petsang May 21, 2020, sumusunod lamang sa QC ang Pasig, Manila at Muntinlupa City. Nangunguna naman ang San Juan City na may 273 kaso, mula sa kabuuang 122.2K residente, kasunod ang Cebu City na may 1,559 cases out of 922.6K residents, Mandaluyong City na may 548 cases out of 386.3K residents, Makati City na may 555 cases mula sa 582.6K residents, Parañaque na may 570 cases mula sa 665.8K residents, at Pasay City na may 311 cases out of 416.5K residents.

Malaking bilang umano ng health workers sa mga naturang pasilidad na na-infect ng virus habang ginagampanan ang kanilang tungkulin ay naninirahan din sa lungsod, at nagreresulta para magkaroon din ng positive cases sa kanilang tahanan.

Umaapela si QC Mayor Joy Belmonte sa mga pangasiwaan ng mga naturang health facilities na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga health workers. 

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with