Dating pulis utas, rider kritikal sa road mishap

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay ang isang retiradong pulis habang kritikal ang rider na isa ring dating pulis matapos silang su-malpok sa nakaparadang sasakyan kamakalawa sa Ballesteros,Cagayan.

Ang nasawi ay kinila-lang si Ferdinand Daquioag, 58, na nakaangkas ng kabaro niyang retiradong si Domingo Estoque, 57, na nasa kritikal na kalagayan sa ospital.

Sa ulat, alas-6:00 ng gabi ay minamaneho ni Estoque ang motorsiklo habang angkas si Daquiaog at binabagtas ang highway na sakop ng Brgy. Sta, Cruz, nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho at nabangga ang nakaparadang SUV.

Sa lakas ng pagkakasalpok, kapwa tumi-lapon ang dalawang da-ting pulis sa motorsiko at una ang kanilang ulo na bumagsak sa kalye.

Isinugod ng mga tao sa lugar ang dalawa sa Bal-lesteros District Hospital subalit hindi na nakaabot nang buhay si Daquioag.

Show comments