Bulacan drug bust: 3 tulak dedo, 16 timbog

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang tatlong hinihinalang drug pusher habang 16 naman ang naaresto sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Malolos City,Bulacan.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Nasrudin Ayao Amerilaka Nash ng Brgy.Sta.Rita Bulacan na napatay ala-1:25 ng madaling araw.

Dakong,ala 1:40 ng madaling araw ng mapatay sina Mark Jonathan Cagalingan at Angelito Enriquez sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Assumption, San Jose del Monte City, Bulacan.

Narekober sa tatlong napatay na suspek ang 44 ma plastic sachet ng shabu, 1 cal .38 revolver, 2 shot gun, isang Toyota Vios, drug paraphernalia at buy-bust money. 

Samantala, 16 na mga drug pushers ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwaly na buy-bust operation sa bayan ng San Ildefonso, Sta. Maria, San Miguel, San Rafael, Balagtas at sa siyudad ng Malolos at San Jose del Monte City, Bulacan.

Nabawi sa mga suspek ang 42 plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Show comments