3 Paslit pinatay, nanay sinaksak ang sarili
Jorge Hallare (Pang-masa) - May 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong paslit na magkakapatid ang idineklarang dead on arrival sa ospital matapos na sila ay pagtatagain ng sariling ina, naganap kahapon ng umaga sa Purok 1, Brgy. Pinagwarasan, Basud, Camarines Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Mitzuki Samonte Magistrado, 5; Zuyen Chase, isang taon at walong buwang gulang at Zoe, na apat na buwang gulang.

Habang inoobserbahan naman ang kalagayan ng kanilang nanay na si Joan Samonte Magistrado, 28.

Sa ulat ni Major Ma. Luisa Calubaquib, ta­gapagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10:00 ng umaga sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang pinagtataga ng itak ni Joan ang kanyang mga anak.

Makaraang nakitang duguang nakahandusay na lahat ng kanyang mga anak ay sinaksak ang kanyang sarili gamit ang itak.

Mabilis silang isinugod ng mga kaanak sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ang tatlong paslit habang patuloy na ginagamot ang suspek.

Sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis, posibleng wala umano sa sariling katinuan ang suspek dahil nakararanas ito ng tinatawag na “post-partum depression” matapos manganak ng kanyang bunso.

SAKSAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with