Bayanihan sa Benguet isinusulong

MANILA, Philippines — Para sa pag-unlad at sama-samang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at ang kahirapan, isinusulong ni ACT-CIS Party List Rep. Eric Go Yap, na siya ring legislative caretaker ng lone Congressional District ng Benguet, sa mga alkalde o lokal na punong ehekutibo na magbayanihan, magtulungan at magkaisa.

Ang panawagan ay ginawa ni Yap nang magtungo siya sa Benguet noong Mayo 8, at bisitahin ang ilan sa mga barangay na pinakaapektado ng COVID-19 pandemic at sa kanyang pagbisita, pinagkalooban nito ang mga barangay ng relief goods sa pamamagitan ng kanyang Mobile Tulong.

Ang Mobile Tulong ay isang continuous program ng mambabatas, na ang layunin ay bumisita sa bawat barangay sa lalawigan at maghatid ng tulong at iba pang pangangailangan para sa mga constituents.

Pinulong din ni Yap ang mga alkalde ng Benguet at maging sa gobernador nito at nagbigay ng mahalagang mensahe ngayong nahaharap sa matinding pagsubok ang buong bansa.

“Humarap tayo sa lahat ng Mayors at kay Gov. (Governor Diclas), all of them were there at ina­lam natin ano ’yung mga problemang kinakaharap nila lalo at sila ang may punong mandato para tumulong sa kanilang mga nasasakupan. Ipinabatid din natin sa kanila ’yung mga programa natin mula sa national government dahil importante na nakalign ang local at national government upang mas maging effective ang approach natin laban sa COVID-19 pandemic,” ani Yap.

Binisita rin ni Yap ang Benguet General Hospital para personal na ma-check ang kalagayan ng mga frontliners at nag-donate ng ‘high flow oxygen’ para magamit ang pagamutan.

Show comments