Suspensyon ng voter’s registration, pinalawig

MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang suspensyon ng voter’s registration at sa lahat ng voter’s registration activities sa bansa kasunod ng extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 kabilang na ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Comelec Executive Director Bartolorme Sinocruz, ang suspensyon ng voter’s registration ay hanggang Hunyo 30 na para sa buong bansa sa mga tanggapan ng Comelec at mga satellite registration site.

Ito na ang ikatlong suspensyon ng voters’ registration sa bansa dahil sa COVID-19 crisis.

Sinabi pa ni Sinocruz na ang suspensyon ay magbibigay panahon din sa Comelec para maka-paglagay ng anti-CO-VID-19 measures sakaling muling ipagpatuloy na ang voters’ registration sa mga susunod na buwan.

Show comments