4 Pinoy sa National Health Service ng UK, pumanaw sa COVID-19

MANILA, Philippines — Apat na Pinoy na nagtatrabaho sa National Health Service ng United Kingdom ang nasawi sa COVID-19.

Kinilala ang apat na nasawi na sina Malujean Ballesteros, 60-anyos na nurse na pumanaw sa St. Mary’s Hospital sa Paddington, ilang araw matapos ma-admit noong Biyernes.

Maliban kay Ballesteros, tatlong Pinoy na nagtatrabaho sa NHS ang pumanaw rin kamakailan. Sila ay sina Leilani Dayrit, 47, nurse at nagtatrabaho sa St. Cross Hospital na pumanaw noong April 7 at dalawang hospital porters na sina Oscar King Jr. at Elbert Rico.

Show comments