COVID case sa Italy at Spain: 100K
(Pang-masa) - April 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Italy at Spain na mayroong pinakamataas na kaso sa Europa, at  mataas ding death toll.

Sa magdamag, ang Italy ay nakapagtala ng mahigit 4,700 na bagong kaso kaya umakyat na sa 110,547 ang confirmed cases nito ng COVID-19 na kung saan ay 727 na nasawi sa magdamag, kaya umabot na sa 13,155 ang death toll sa nasabing bansa.

Ang Spain naman ay nakapagtala ng 8,195 na bagong kaso sa magdamag at ngayon ay  mahigit 104,100 na ang kaso.

Ang iba pang bansa sa Europa na mataas ang bilang ng kaso at bilang ng mga nasawi ay Germany, 77,981 cases (831 deaths); France, 56,989 cases (4,032 deaths); UK, 29,474 cases (2,352 deaths); Switzerland, 17,768 cases (488 deaths); Belgium, 13,964 cases (828 deaths); at Netherlands, 13,614 cases (1,174 deaths).

ITALY SPAIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with