^

Police Metro

22 POGO workers, 2 police escort mula Metro Manila hinarang sa checkpoint sa Cagayan

Raymund Catindig - Pang-masa
22 POGO workers, 2 police escort mula Metro Manila hinarang sa checkpoint sa Cagayan
Unang pinigilan ng mga awtoridad ang grupo ng mga POGO workers na nakasakay sa dalawang van at dalawang delivery trucks.
Freeman Photo, file

MANILA, Philippines — Nasa 22 POGO (Phi­lippine Overseas Ga­ming Operator) workers at ka­nilang dalawang police escorts na nagmula pa sa Metro Manila ang pinigilang makapasok sa Caga­yan matapos maharang sa COVID-19 checkpoint ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Ana ng nasabing lalawigan kamakalawa. 

Ayon kay Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang, tanging si Benedict Wong, 35-anyos, manager ng Eastern Hawaii Casino na matatagpuan sa CEZA Complex sa natu­rang bayan ang pinapasok sa bayan kasunod ng pagpapasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 sa lalawigan.

Nabatid na kinontra ng mga miyembro ng task force ang pasya ni Mayor Nelson Robinion na papasukin ang naturang grupo.

Ayon kay Quilang, iniatas ng IATF kay Wong na isang Chinese national na sumailalim muna sa 14 araw na quarantine upang masegurong hindi siya banta sa kalusugan ng mga taga-Sta. Ana.

Unang pinigilan ng mga awtoridad ang grupo ng mga POGO workers na nakasakay sa dalawang van at dalawang delivery trucks.

Ang grupo ay nakalusot sa mga checkpoints papasok ng Cagayan mula Maynila dahil may escort na sina P/Senior Master Sergeants Harold Corpuz at Clifford Ventura ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa PNP-Camp Crame. 

Ang grupo ay pinigilan sa checkpoint ng Brgy. Casambalangan dakong alas-6:00 ng umaga at kalaunan ay pinabalik sa kanilang pinanggalingan sa Metro Manila. 

vuukle comment

COVID-19

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with