^

Police Metro

Therapist tinaniman ng 36 bala sa katawan

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 52-anyos na therapist matapos na pasukin at pagbabarilin ng anim na hindi nakilalang mga lalaki sa Brgy. Roosevelt, San Jacinto, Masbate kamakalawa ng hapon.

Ang nasawi na nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Gilbert Delavin Bartolay, binata at residente ng nasabing barangay.

Hindi pa kilala ang mga suspek na naglakad lang sa pagtakas patu­ngong bulubunduking lugar ng barangay.

Sa ulat sa mga pulis ni Brgy. Kapitan Rico Almine, dakong alas-2:40 ng hapon habang nagsasagawa sila ng quarantine checkpoint kasama ang ilang tanod nang marinig ang magkakasunod na mga putok sa kalapit na bahay.

Ilang sandali ay nakita nilang lumabas sa bahay ang anim na mga armado at naglakad na umalis patungong bulubundu­king lugar.

Nang puntahan ang bahay ni Bartolay at nakitang duguang nakabulagta ito at may mga tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ng mga pulis, nakita sa crime scene ang 26 basyo ng bala ng kalibre 9mm at 10 basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

PAGBABARILIN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with