Volunteers bigyan din ng hazard pay at special risk allowance

MANILA, Philippines — Hiniling ni Senador Sonny Angara na dapat bigyan din ng hazard pay at special risk allowance ang mga volunteers na humaharap sa paglaban sa coronavirus disease o COVID 19.

Kaya’t dapat linawin ng Department of health (DOH) sa pinirmahang Administrative order no. 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa ipinasang “Bayanihan to Heal as One” bill kung sakop din nito ang mga volunteers.

Sa ilalim ng EO 26 bibigyan ng hazard pay ang lahat ng government personnel  na frontliners sa paglaban ng COVID habang sa Senate Bill 1418 o Bayanihan to Heal as One ay bibigyan din ng  tulong pinansyal ang lahat ng health workers at mahihirap na pamilya.

Anya, gumagawa din ng mapanganib na trabaho ang mga volunteers at nasa panganib din ang kanilang kalusugan at lantad sa virus  gayundin ang kanilang pamilya at sila ang hinihingan ng DOH at ospital ng tulong sa contract tracing.

Show comments