Higit 300k katao pwedeng mamatay sa Bicol dahil sa coronavirus

Batay sa tala ng mga health workers at local goverment unit mahigit 80-libong Bicolano ang umuwi mula nang i-lockdown ang Metro Manila at lahat ito ay itinuturing ngayong persons under monitoring o PUM habang may pitong under investigation (PUI) ang rehiyon.
AFP/Alissa Eckert/Centers for Disease Control and Prevention

MANILA, Philippines — Kung patuloy na magmamatigas at susunod ang mga residente sa ipinatutupad na ‘enhanced community quarantine’ ay pinangangambahang aabot sa 306,691 katao ang pwedeng mamatay sa Bicol dahil sa corona virus disease (COVID-19).

Ito ang inihayag ni Dr. Ernie Vera, regional director ng Department Of Health (DOH) sa Bicol sa ginawang pulong balitaan kamakalawa.

Batay sa tala ng mga health workers at local goverment unit mahigit 80-libong Bicolano ang umuwi mula nang i-lockdown ang Metro Manila at lahat ito ay itinuturing ngayong persons under monitoring o PUM habang may pitong under investigation (PUI) ang rehiyon.

Kung hindi umano sumunod ang mga residente sa ipinatutupad na 14-araw na quarantine period posibleng 14-porsyento o 858,737 mula sa 6,133,836 na populasyon sa Kabikulan ang magkakaroon ng malubhang sintomas ng COVID-19 at 5 porsyento o 306,691 ang pwedeng mamatay.

Idinagdag pa ni Vera na base sa 6.5-araw na incubation period ng virus ay maituturing na nasa mga pintuan na ng Bicol ang naturang sakit at anumang oras ay posibleng magkaroon na ng COVID-19 sa rehiyon.

Show comments