2 miyembro ng hpg, timbog sa kotong

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) ang dinakip ng mga elemento ng Philippine National Police-Integrity, Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos ireklamo ng pangongotong sa mga dumaraang truck sa isinagawang operation sa Prosperidad, Agusan del Sur. 

Kinilala ang dalawang pulis ng HPG na sina Police Staff Sergeant Eddie B. Manguilimotan, 54, ng Mankilam, Tagum City, Davao del Norte; at Police Corporal Ralfe S. Meraflor, 33, ng Purok 13, Poblacion, Prosperidad.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang isagawa ang entrapment operation ng mga elemento ng IMEG Mindanao Field Unit at Agusan del Sur Provincial Office Provincial Mobile Force, sa Purok 1, Brgy. Patin-ay, Prosperidad Agusan del Sur base sa reklamo ng mga truck at vandriver sa pangongotong sa kanila tuwing sila’y dadaan sa nasabing lugar.

Nadakip sina Manguilimotan at Meraflor nang tanggapin ang marked money na P2,500 mula sa isang pulis na nagpanggap na truck driver.

Show comments