^
Duterte sasakay pa rin ng helicopter
Magugunita na simula nang maupo sa puwesto si Duterte noong 2016 ay lagi siyang nakasakay sa chopper para dumalo sa mga public engagement dahil ayaw umanong makaabala sa daloy ng trapiko dahil siguradong ipatitigil ang mga saksakyan kapag dadaan ang kanyang convoy.
STAR/File

Duterte sasakay pa rin ng helicopter

Gemma Garcia (Pang-masa) - March 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy pa rin ang pagsakay ng chopper ni pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng nangyaring aksidente sa chopper ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa,

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, fatalistic ang pangulo at nakahanda sa anumang mangyayari sa kanya dahil lagi namang sinasabi ni Pangulong Duterte hindi siya takot na mamatay.

Magugunita na simula  nang maupo sa puwesto si Duterte noong 2016 ay lagi siyang nakasakay sa chopper para dumalo sa mga public engagement dahil ayaw umanong makaabala sa daloy ng trapiko dahil siguradong ipatitigil ang mga saksakyan kapag dadaan ang kanyang convoy.

Nakatakdang bisitahin ni Pangulong Duterte si Gamboa na ngayon ay nakaratay sa ospital sa tinamong mga sugat matapos na bumagsak ang chopper na sinasakyan.

 Ikinatuwa naman ng palasyo at ligtas si Gamboa at pito pang opisyal ng PNP na sakay ng chopper.

HELICOPTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with