Binata dinedo ng tito

Ang nasawi ay kinilalang si Michael Berba Arringo, residente ng Sitio Malasgas, Brgy. Vini­sitahan, Donsol. Habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek na si Alberto Rabulan Arringo, 42, may-asawa, residente ng nasabing barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on- arrival ang isang 36-an­yos na binata matapos na saksakin ng dalawang beses ng kanyang tiyuhin nang magtalo habang sila ay nag-iinuman, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ticol, Sorsogon City, Sorsogon.

Ang nasawi ay kinilalang si Michael Berba Arringo, residente ng Sitio Malasgas, Brgy. Vini­sitahan, Donsol. Habang sumuko naman sa mga pulis ang suspek na si Alberto Rabulan Arringo,  42, may-asawa, residente ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:30 ng gabi nakitang masaya pang nag-iinuman ang magtiyo sa harap ng bahay ni Alberto.

Nang malasing ay na­ging makulit umano ang biktima na ikinairita ng tiyuhin dahilan para sila magtalo.

Pumasok sa kusina ng bahay si Alberto at pagbalik ay armado na ng kutsilyo at sinaksak ng dalawang beses ang pamangkin sa bahagi ng katawan.

Show comments