^

Police Metro

Iwasan munang bumiyahe sa South Korea!

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Iwasan munang bumiyahe sa South Korea!
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 893 na kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong 60 kaso sa nakalipas na magdamag.
Philstar.com/Patricia Lourdes Viray, file

DOH sa mga Pinoy...

MANILA, Philippines — “Iwasan munang magtungo o magbiyahe sa South Korea lalo na sa mga lugar na labis na apektado ng sakit na COVID-19”.

Ito ang ipinayo ni Health Secretary Francisco Duque III habang hindi pa napagdedesis­yunan ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung magpapatupad ng travel ban sa South Korea dahil sa patuloy na pagdami ng nasabing sakit.

Partikular na tinukoy ni Duque III, na iwasan muna ang magtungo sa Daegu City at sa Cheong­do na may mataas na bi­lang ng kaso ng COVID-19.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na masusing bantayan ang sitwasyon sa South Korea bago magpasiyang bumiyahe.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 893 na kaso ng COVID-19 sa South Korea matapos makapagtala ng panibagong 60 kaso sa nakalipas na magdamag.

Muling nanawagan  si Duque sa publiko na  huwag nang gumamit ng face mask kung wala namang sakit.

Ang mas mahalaga aniya ay palakasin ang immune system at pananatili ng kalinisan sa katawan.

“Basta maghugas ka na lang ng kamay mo ng 20 seconds. Mas madalas, mas maigi. O kaya magpunas ng alcohol. Mag­baon ng panyo, panangga sa pagsinga, bahing at ubo para ‘di makahawa.

At kung meron ka namang sakit, manatili ka na lang sa tahanan mo at mag-mask ka,” wika ni Duque.

vuukle comment

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with