Chinese na dumura sa loob ng fast food inaresto
MANILA, Philippines — Inaresto na ng pulisya ang Chinese national na dumura sa loob ng isang fast food restaurant at paninigaw sa sekyu sa Masangkay St., Tondo, Maynila, kamakalawa.
Nakapiit ngayon sa Manila City Hall Detachment- SMaRT ang suspek na si Jinxiong Cai, Alyas Willy Choi, 35 at kasalukuyang naninirahan sa 45Flr.-Rm. E, Orchard Garden, Masangkay St., Tondo, Manila.
Nag-viral ang video ng suspek na si matapos mag-eskandalo at dumura sa isang fast food restaurant.
Lumilitaw na si Choi ay inireklamo ng security guard na si Alejandro Natividad, 63, ng Tambak 1 Tanza 2, Navotas City dahil sa pagdura at paninigaw sa loob ng McDonalds sa Masangkay St., Tondo, Manila.
Bago ang insidente, nakita sa CCTV ang tinulak ng suspek ang dalawang motorcycle rider na nakaparada sa harap ng fast food chain.
Kasong grave scandal, unjust vexation, at malicious mischief sa ilalim ng Revised Penal Code ang nilabag ni Jinxiong.
Agad na irerekomenda sa Bureau of Immigration ang pagpapadeport sa suspek.
- Latest