Sen. Go, nababagalan sa Marawi rehab

Kasama ni Go sina Sens. Imee Marcos, Migz Zubiri, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa ay sinilip nila ang naturang rehabilitasyon na nawasak dahil sa giyera noong 2017.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Hindi umano natutuwa bagkus ay nababagalan pa si Sen. Bong Go at mga kasamahan nito sa senado sa ginagawang rehabilitation sa Marawi City na umaabot na sa mahigit dalawang taon.

Kasama ni Go sina Sens. Imee Marcos, Migz Zubiri, Francis Tolentino at Ronald dela Rosa ay sinilip nila ang naturang rehabilitasyon na nawasak dahil sa giyera noong 2017.

“Ayaw po nating mangyari ang pagbangon ng Marawi matulad sa Tacloban, Leyte na tinamaan  ng bagyong Yolanda pero hanggang ngayon ay hindi pa talaga totally naaayos dahil kulang sa suporta ng nakaraang administrasyon”, ani Sen.Go.

Hinikayat ng bagitong mambabatas ang mga concerned agencies na bilisan na ang pagsasaayos ng Marawi dahil nariyan naman ang pondo at mga donasyon mula sa private sectors at tulong mula sa ibang bansa.

“Marami sa mga taga-Marawi ang nasa Maynila na naghihirap doon dahil dito ang kanilang kabuhayan talaga pero nag-tityaga at nag-aantay sa pagtatapos nitong rehabilitasyon para makauwi na sila”, pahayag ni Sen. Go.

“Hindi po istilo ng Pangulong Duterte na mag-iwan ng proyekto ng nakatiwangwang dahil gusto niya matapos ang lahat ng ito bago siya bumaba para makabalik na ang mga taga Marawi dito mamuhay ng normal muli”, hirit pa ni Go.

Show comments