Listahan ng illegal gambling operators hawak na ng PNP

MANILA, Philippines — Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng lahat ng mga illegal gambling operators, malaki man o maliit sa bawat rehiyon sa bansa at target itong sugpuin ng kapulisan.

Ito ang ibinunyag kahapon ni PNP Chief Police General Archie Gamboa kung saan ang nasabing listahan ay ibinigay na sa mga Regional Police Directors upang paigtingin ang operasyon laban sa illegal gambling.

“We are going against them. Lahat ng illegal gambling from low to high,” pahayag ni Gamboa sa PNP Press Corps.

Kasabay nito, inutos ni Gamboa sa mga pulis sa mga rehiyon kung saan namomonitor na kumikilos ang mga illegal gambling operators na magsagawa ng agresibong operasyon laban sa mga ito.

Show comments